Subukan ko kayang kalimutan kita saglit. Yung hindi muna kita masaydong ilagay sa sistema ng isip ko at alalahanin ka sa bawat oras na dumadaan sa akin. Kasi parang wala lang din naman sa’yo ang mga bagay na yun. Natatakot na naman kasi ako sa nangyayari, na baka isang araw magising ako na pinaniniwala ko na naman ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman pala. At sa pangalawang pagkakataon masasaktan na naman ako ng lubusan. Pakiramdam ko kasi ako lang ang nagpapahalaga sa ating dalwa. Ang dalas mo ng nagiging “insensitive” sa feelings ko or baka sensitive lang talaga ako. Oo nga you’re so sweet to me pero may pagkakataon talaga na hindi mo alam ang simpleng bagay na gusto ko. May pagkakataon na napapasama mo ang loob ko. Iniisip ko nga baka napapraning lang ako sa kaiisip or baka kinukumpara kita sa mga bagay na ginagawa ko para sa’yo.
Hayy, ewan, hindi ko alam at hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa tuwing nagkakakaganito ako, tayo. Parang hindi ako ganun kaimportante sa'yo. Parang laging "okay" lang kasi hindi naman ako nagagalit, konting lambing "okay" na naman ang lahat. Pero paano kung mapagod na ako, sa ganung situation na pinalalagpas mo ang mga bagay-bagay na akala mo "okay" lang talaga? Papaano kung biglang maisip ko na hindi na pala talaga ako masaya? Na lagi na lang sumasama ang loob ko. Or baka talagang hindi kita napapasaya kaya tayo nagkakaganito. (Ang sakit naman nun)
Ngayon pa lang na naiisip ko na baka hindi din talaga tayo sa isa't isa, nasasaktan na ako ng husto. Dahil ayaw ko ng i-let go yung mga bagay na nakasanayan ko na, na ikaw ang kasama ko. Wag naman sana tayong umabot sa ganon. Dahil baka talagang hindi ko na kayanin sa pangalawang pagkakataon na 'to.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment