"Anak, ito ang sundin mo!"

Monday, May 18, 2009


Sa ating mga kabataan lagi nating naririnig ang mga katagang ito mula sating mga magulang. Mula sa pagpapalaki sa atin, sa pag-aaral natin, pagpili ng kurso na kukunin natin sa kolehiyo, pagpili sa mga kaibigan na sasamahan natin, sa pagpili ng magiging nobya or nobyo natin at hanggang sa sa pagpili ng makakasama natin sa pagbuo ng sarili din nating pamilya sa hinaharap. Lahat yan kasama sa kanilang pag-agabay sa ating lahat na mga anak. At alam nating lahat na ang mga magulang ay walang ibang inisip para sa atin ay kundi ang kabutihan at kaginhawaan nating mga anak. Wala silang ibang hangad kundi ang maayos masaganang buhay.

Pero paano kung hindi ka masaya sa pinipilit nilang maging buhay mo sa hinaharap? Kung ang puso at buong pagkatao mo ang nasasaktan at ang sariling kaligayahan mo ang masasakripisyo? Kaya mo pa bang sundin?

Hayy.. para sa kaalaman ng lahat, ito ang pinagdadaanan ko ngayon sa aking mga magulang, lalo na sa aking Ama. Kaya may mga pagkakataon na umiiyak na lang ako sa aking kwarto para marelease yung bigat ng loob na nadarama ko. Pakiramdam ko kasi hindi pa rin sila tapos sa pagsasaklaw nila sa mga gusto ko, sa mga bagay na ayaw ko. Kailangang sila pa rin ang masunod. Kaya nagtatanong ang isip ko sa kanila, "paano naman ang mgasariling gusto ko?" . Hindi ba pwedeng suportahan na lang nila ako at gabayan na lang? Kung madapa man ako sa mga choices and decisions ko sa buhay. Pipilitin kong tumayo at matuto. Pero parang ayaw nilang matuto ako sa sarili ko mismong desisyon sa buhay. Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari sa amin ng parents ko (Dad ko). Parang habang tumatagal lumalayo ang loob ko sa kanila (kay Dad). Parang laging siya lang kasi ang dapat pakinggan, laging tama at kailangang intindihin. Kapakanan ko ba talaga ang iniisip nila o ang mga sarili lang nila at ang katayuan nila sa mga kaibigan nilang tinitingala ang family namin.

0 comments:

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Blogger Template Designed by Ipietoon Blogger Template
Girl Vector Copyrighted to Dapino Colada