"Magkapatid"

Sunday, May 17, 2009


Kapatid? Magkapatid? Ano nga ba ang tunay na kahulugan or papel nito sa buhay ng bawat isa sa atin?


Syempre karamihan sa atin na may mga kapatid din, magsasabing masayang magkaroon ng kapatid. Ang iba naman ay halos isumpa ang mga kapatid nila. Sa kadahilanan na rin sa kanya-kanyang sitwasyon sa buhay!


Q: Ikaw, masaya ka ba sa kapatid mo?


Siguro para sa karamihan, masaya sila na may kapatid sila or may mga kapatid sila. Meron kasi silang nakakausap, napapagsabihan ng mga sekreto, tulad ng mga crushes, manliligaw or nililigawan, mga matataas or mga kamoteng grades na nakukuha sa klase, kasabwat sa mga kapilyahan or kapilyuhan, maiiyakan mo kapag nasaktan ka, masasandalan mo kapag may mga problema ka na hindi mo kayang resolusyunan, etc. at etc.


Pero kung ako ang tatanungin nyo about this. Hayy.. mapapabugtong hinihinga muna ako bago ko masasagot ang tanong na yan. Hindi kasi ganun kaganda yung karanasahan ko sa kapatid. (sad to say..)

Hindi kasi ganon ka-ideal yung "magkapatid" relatioship yung sa akin.. Lalo na sa kapatid ko na girl. Hayy.. at isa pang hayy..


Hindi kasi akong masyadong pinagpala sa kapatid eh. Laging sama ng loob at kapahamakan ang naidudulot sa akin. Mabibilang ko siguro sa mga daliri ko yung mga magagandang nagawa ng kapatid ko sa akin. (at least meron..) Mahirap kasi sa magkapatid ang may ingitan at silipan sa mga bagay-bagay na meron ang isa at wala naman ang isa. Yung tipong kailangang meron din si bunso kung anong meron si Ate. Okay lang naman kung yung bagay na yun eh pwedeng pareho kayong meron. Pero paano kung ang bagay na yung eh hindi pwedeng parehong meron or paghatian? Bagay na nakalaan lamang para sa isa. Magiging mapagbigay ka pa rin ba? O maiintindihan mo pa ba ang kapatid mo?


Hay ewan, nalulungkot lang ako kapag naaalala ko ang mga bagay na hindi maganda na nagawa sa akin ng magaling kong kapatid. At ang pinakamasakit ay ang pagtatraydor niya sa akin at tangkaing agawin ang para sa akin. Halos isumpa ko siya nuon at questionin ang Diyos bakit siya pa ang naging kapatid ko sa dinami-dami ng tao sa mundo. Pero ganun pa man, sa kailaliman ng puso ko, nanaig pa rin sa akin na kapatid ko siya, "MAGKAPATID" kami. Kaya hindi ko yun ginawa at ipinasa-Diyos ko na lang sya, na sana magbago pa siya at 'wag na niyang sirain ulit ang maganda at masayang buhay na meron ako ngayon. Makuntento na siya sa kung anong meron siya ngayon.


("Ganun talaga, kung sinong agrabyado, siyang mas pinagpapala. Thank you God Father!")


0 comments:

 

Copyright © 2009 Grunge Girl Blogger Template Designed by Ipietoon Blogger Template
Girl Vector Copyrighted to Dapino Colada